Gaya-gaya Puto Maya: Hot pink blazer

Left: Ganda lang ni Ate. 
Right: Maulan while I was getting ready for work, then bam ang araw pag labas.
Oversized, hot pink, chino-collared blazer: 100 php
Flowy cream top: 50 php
Long gold chain: 88 php
Jeans and nude flats
Ang sakit ko daw sa mata sa sobrang bright ng kulay ng jacket na to pero instant ang pag bright ng araw nila nung nakita ako. Well, atleast that's what I think. Yung ganitong outfit eh parang maganda ang gising mo. Comfy, girly, and to be honest medyo klas!

Gaya-gaya Puto Maya: grey pullover


Left: outfit inspiration from Pinterest san pa ba???
Right: me and my baba on a rainy Monday morning habang napapanis kakahintay sa bangko magbukas
Grey sweater/pullover c/o Fei Fashion: 180 pesos
Collared top: 50 pesos
Slacks: donation
Black flats: 450 pesos
For easy preppy, office approved outfit, collared top plus sweaters or cardis or pullovers are the best and fool-proof combination. Slacks lang o jeans keribels na. Comfy at hindi trying hard. 

Heaven in CLN Starmall Alabang

Partida hindi pa ko mahilig sa sapatos pero I have like 20+ pairs na ata. Mostly flats na lang kasi ang tamad ko. Hindi ako particular sa brand as long as comfy, sakto naman sa outfit, at MURA.

Madalas ako bumili sa SM department store o mga tiangge ng flats kasi magaganda naman and MURA nga. Parang 300 to 600 eh bongga na. Pang office lang naman so keri na keri. Tumatagal sakin ng taon yung karamihan.

Tapos natuklasan ko tong store ng CLN sa Starmall Alabang. EVERYDAY naka 50% off.
799 ata to o 899. Di ko na matandaan. Bet ko sana yung ankle high lang kaso walang ibang stock tsaka mas bet daw to nung sponsor ko. Wore this for our Coachella themed party last December.
Stone grey flats for 499
Gold pumps for 599
Hello sa tyani ko. Lol.

Hopefully mas okay pa maging stocks nila. Kaya ata sale eh mga lumang designs? Actually di ako sure pero madami naman kasing maganda. Swertehan nga lang sa size and stock. Buti na lang average ang size ng paa ko.

Naka sale din mga bags din pala. Mukhang mapapadalas ako dito.

Ukay-ukay 101: What to bring aside from patience and tyaga

Ukay-ukay 101: What to bring aside from patience and tyaga
So decided ka na to go ukay, pano na nga? Anong kailangan? Aside from patience and tyaga, you need:

  1. A purpose. Anong bibilhin mo? Para san? Christmas party? Outing? Eh ang daming damit! Nakaka-overwhelm. Madalas non eh kung anu-ano ang nauuwi ko tapos hindi ko pala bet talaga. Kaya bago sumugod, more Pinterest muna ko for outfit inspirations. Hindi kasi ako fashionista so kailangan ko ng mga peg. 
  2. Budget. Madalas sa isang trip kailangan 1k lang magastos ko. Lalo na kung wala naman talagang dahilan bakit ako andon, gusto ko lang mamili. Maganda din mag set ng budget kasi challenge! Tuwang-tuwa ako pag nakabili ako ng bet ko tapos pasok sa banga. Pag naka-set ang budget mas nale-lessen yung temptation na dumampot ng kung anu-ano. 
  3. Proper attire. Yung iba bet naka mini skirt, yung iba leggings. Kasi nga naman kung magsusukat ka ng bottoms eh hindi hassle. Definitely mag suot ng comfy na footwear. Yung iba bet naka flip-flops, iba slip ons. Basta yung madali hubarin kasi kamusta naman ang pagsusukat di ba kung naka fit na jeans ka, sneakers with lace, at complicated na top?! Shirt dress, loose na top and skirt o leggings, kung saan ka hindi mahihirapan. 
  4. Shopping bag. Samin pa naman bawal ang plastic kaya ang ginagamit sa ukay stores eh paper bag. Pag madami kang binili, impyerno magdala ng mga paper bag kaya magdala ng shopping bag para mas madali for you.
  5. Sling bag na may zipper. Kasi kung naka handbag ka eh sayang ang isang kamay na sana free. Plus, mas secure yung sling bag kasi keri ilagay sa harapan mo. Less chances na madukutan ka o mahablutan. Make sure lang sturdy ang bagels. 
  6. Face mask. Lalo na kung sensitive ka sa amoy. Most naman ng ukay-ukay eh may aircon pero kasi hindi "bago" ang amoy ng mga damit lalo na yung ibang namimili. Lol. 
  7. Alcohol o alcogel. For obvious reasons.
  8. Shopping buddy. OPTIONAL. Ako kasi mas preferred ko mag shop mag-isa. Mas efficient for me. Pero yung iba bet may tatanungan kung okay o hindi yung bet nila bilhin so bahala na kayo kung gusto nyo mag sama o what. 
Happy hauling!