- A purpose. Anong bibilhin mo? Para san? Christmas party? Outing? Eh ang daming damit! Nakaka-overwhelm. Madalas non eh kung anu-ano ang nauuwi ko tapos hindi ko pala bet talaga. Kaya bago sumugod, more Pinterest muna ko for outfit inspirations. Hindi kasi ako fashionista so kailangan ko ng mga peg.
- Budget. Madalas sa isang trip kailangan 1k lang magastos ko. Lalo na kung wala naman talagang dahilan bakit ako andon, gusto ko lang mamili. Maganda din mag set ng budget kasi challenge! Tuwang-tuwa ako pag nakabili ako ng bet ko tapos pasok sa banga. Pag naka-set ang budget mas nale-lessen yung temptation na dumampot ng kung anu-ano.
- Proper attire. Yung iba bet naka mini skirt, yung iba leggings. Kasi nga naman kung magsusukat ka ng bottoms eh hindi hassle. Definitely mag suot ng comfy na footwear. Yung iba bet naka flip-flops, iba slip ons. Basta yung madali hubarin kasi kamusta naman ang pagsusukat di ba kung naka fit na jeans ka, sneakers with lace, at complicated na top?! Shirt dress, loose na top and skirt o leggings, kung saan ka hindi mahihirapan.
- Shopping bag. Samin pa naman bawal ang plastic kaya ang ginagamit sa ukay stores eh paper bag. Pag madami kang binili, impyerno magdala ng mga paper bag kaya magdala ng shopping bag para mas madali for you.
- Sling bag na may zipper. Kasi kung naka handbag ka eh sayang ang isang kamay na sana free. Plus, mas secure yung sling bag kasi keri ilagay sa harapan mo. Less chances na madukutan ka o mahablutan. Make sure lang sturdy ang bagels.
- Face mask. Lalo na kung sensitive ka sa amoy. Most naman ng ukay-ukay eh may aircon pero kasi hindi "bago" ang amoy ng mga damit lalo na yung ibang namimili. Lol.
- Alcohol o alcogel. For obvious reasons.
- Shopping buddy. OPTIONAL. Ako kasi mas preferred ko mag shop mag-isa. Mas efficient for me. Pero yung iba bet may tatanungan kung okay o hindi yung bet nila bilhin so bahala na kayo kung gusto nyo mag sama o what.
Happy hauling!
0 Comments