Mumuso (Alabang) haul

Driver and alalay lang ang drama ko last Sunday. Ayoko tumambay sa Festival Mall kasi 1.) may bayad parking don at 2.) wala akong kilay eh meet ni mudrakels mga ninang ko at madalas kung kelan ka hindi handa, saka ang dami mong nakakasalamuhang kakilala. So dapat mag-uukay na lang ako sa Starmall kaso naisip ko yung bagong mall ng Ayala na malapit dun, dun na lang! Ang iniisip ko yung Miniso kasi! Sa SM Southmall pala yun. Kaya ang ending, sa Mumuso ako napadpad.

Bet na bet ko sa Ayala Mall na to kasi bukod sa may bagong tuklas na store, may Japan Home, American Bazaar, at Daiso!

So going back to Mumuso. Sinira nito ang budget ko for the week pero parang (sana!) sulit naman. Aliw na aliw ako sa pag-iikot. Bukod sa beauty products and make-up, may stuffed toys at ibang laruan, may mga kutsara pa nga, meron ding small electronics, may mga tumbler, may bags, may payong pa nga.

Anyway, here's what I got for 1,129 pesos!
face sponge, make-up remover, eye gel patch, facial cleanser, rose seed oil, serum, skin water, and a round brush
Favorite ko yung hair brush, facial sponge, eye mask, at make-up remover.
Parang naobliga ako mag blow-dry ng buhok lage dahil dito. 99 pesos.
Face sponge, 2 pieces with a case, 99 pesos.
Isa pa to. Naobliga din ako gamitin tuwing maghihilamos ng mukha. Parang lahat ng dumi at alikabok ng Alabang eh natatanggal nya.
Magic Make-up Remover Marine Minerals, 99 pesos.
Halos pareho ng consistency ng make-up remover ng Maybelline at Etude. Bet kasi walang amoy and in fairness hindi hassle gamitin. 
Mumuso Black Pearl Gey Eye, 149 pesos.
First time ko gumamit nito. Nakikita ko lang sa IG, sa mga tutorial. Malamig sa mata and hindi agad-agad natanggal kahit natulog na ko. 
The rest eh hinihintay ko pa kung may magandang effect ba. Sa kashungaan ko, namali ako na iba nga pala ang Green Tea sa Tea Tree chorva! My face is going through a terrible rebel phase right now and I was on the lookout for another product try after I finished my AC Clinic Daily set from Etude.

First of all, I have no idea ano ang skin water, kung para saan, at kung paano gamitin. Akala ko eto ang toner nila. Kaso pag bukas ko, ayun. Malabnaw na malabnaw na moisturizer pala sya.
Green Tea Essence Moisturizing Skin Water, 200ml, 199 pesos.
What I love about this: super light but my skin feels hydrated right away, very very light scent
Medyo may love-hate relationship ako with screw type lids or caps, so sana flip type na lang o pump. Ang hassle na lang mag-twist pag bubuksan at ibabalik, plus baka ma-misplace pa takip!
Green Tea Extract Facial Cleanser, 149 pesos
It's light, doesn't sting, no scent, lathers pretty well.
Green Tea Seed Oil Perfection Serum, 120ml, 299 pesos
What I love about this: super light but my skin feels hydrated right away, very very light scent, pump type lid 
Mumuso Rose Soothing Essential Oil, 30ml, 99 pesos.
This is probably my favorite among the moisturizers. It's super light but hydrates well. My skin looks dewy, not oily even though I've just slathered it with this oil. I love the subtle oil scent, too. 
Most of the products have labels sa likod na English ang instructions and ingredients. Sana lang may translation din what the product is or what it's for. Sa dami ba naman, nakaka-overwhelm. Buti sana kung reliable ang crew sa pag describe ng products. A lot of other bloggers and vloggers have been posting their hauls and reviews so you can check them out if you want to know more. I'm definitely going back to get masks and other beauty tools. May make-up din sila pero hindi muna ko interested since "detoxing" ang drama ng balat ko these days.

Anyway, naloka ako to find out na while Korean ang drama ng Mumuso, Chinese pala ang may-ari and the products are, guess what, made in China. Nag-panic lang ako ng slight pero hello ang Jollibee nga di naman Pinoy may-ari, ang iPhones eh sa China din gawa, etc. Okay fine, pinaniwala ko na yung sarili ko na it's going to be alright. Pero kahit ganon, the products are worth trying naman kasi cheap, maganda ang packaging for the price, madaming pagpipilian, most of the lines are complete (meaning merong cleanser, toner, iba't-ibang moisturizers from one line). Hopefully may mabasa ako na review saying na okay ang products.

If you're from Alabang o malapit ka, now's the best time to visit this store kasi naka soft launch ang Ayala Mall kung asan tong Mumuso so konti pa lang namimili.